Gusto ko magluto ng lumpiang shanghai pero pinagdadamutan ako ni Pansit ng recipe niya. Tangina tatlong araw ko inantay text niya para sa supposed to be ay original na lumpiang shanghai na lutong bulakan pero di naman nag text. Nung ti-next yung recipe, tanginang yan di -nownload lang sa internet! Di man lang nag-effort na magtanong sa mga dakilang matatanda na kapitbahay niya sa Paombong kung ano ang sekreto ng malulupit na lumpiang shanghai. Sabi niya di niya nagawa dahil kailangan niyang mag-ayos at anniversary ng in-laws niya. May business transaction siya na kailangan ng overtime work. Busy siya sa paghahatid sundo sa Kumon class ng daughter niya. Siya naglalaba ng mga damit nila. Yun lang pala eh tapos di pa mapadala sa akin recipe. Wasak talaga. Ako nga nakatanga lang sa bahay at nag-aantay nung recipe eh. Mahirap gawing tumanga at mag-intay. Na hassle ako mag-intay. Whew.
Ayoko ng may pasas. Natatamisan ako. Gusto ko yung swabe, yung tamang panghandaan na matipid pero masarap naman. Pero pinagdadamutan ako. Mayaman kasi si Pansit kaya mahirap maintindihan. Lumpiang shanghai recipe lang eh pinagdamutan pa ako. Buti nakakuha ako ng recipe sa Food Magazine. Tangina, giniling na baboy at hipong tinadtad lang pala ang tungtungan ng lumpiang shanghai. I kilong giniling na baboy at ½ kilong hipong tinadtad. Malamang yung maliit na hipon ito na parang bilog. Tapos singkamas at kerots para extenders kung talagang tipiran ang kamada.
Pero di ko pa rin naluto. Bad trip etong si Pansit eh. Payabang pa yan at masarap daw siyang mag Pata Tim. Mag pa pata tim siya dapat para good trip na siya.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment