Saturday, October 17, 2009

siomai

Bagamat matagal-tagal na rin akong kumakain ng siomai sa tanang buhay ko, nagsimula lang ako magkainteres na hanapin ang pinakamasarap na siomai sa kalakhang Maynila nuong matikman ko ang siomai na tinitinda sa likod ng University of Santo Tomas (UST)

Isang simpleng estante na nagtitinda ng dalawang uri ng siomai, pork at saka sharksfin, at gulaman na nagsisilbing pantulak sa bumabarang siomai sa mga nabibilaukang parokyano ng tindahan. Una ko itong natagpuan ng minsang napadaan ako at nakita ko ang naguumpukang mga estudyante na di magkandaugaga sa pagbili at pagkain ng siomai. Animo'y na-duduwende ang mga bumibili at nagkakagulong umorder ng tatlo, apat na order (isang order ay P11.00 kada tatlong (3) piraso) at nilalantakan na mismo duon sa lugar, bagamat yung iba ay inuulam pang-hapunan.

Masarap ang siomai dito, lalo na kung gutom na gutom, at ang mas masaya ay ang presyo nito na parang hindi naaapektuhan ng implasyon at pandaigdigang resesyon at hindi pa nagtataas hanggang ngayon (o baka tapat lang ang tindero sa itinakda niyang halaga na nakapinta sa kanyang rolling store o baka tinatamad pintahan ng bagong presyo).

Kaya sa kada baba ko ng LRT, kada pasok ko ng mga mall, at kada lakad ko sa mga lansangan ng Maynila, hindi ko mapigilang tumigil at tikman ang mga tindahan ng siomai sa mga tabi-tabi na maaaring masabing "the next best thing sa siomai"para sa akin.Sa hanayan ng mga siomai, eto so far ang madalas kong mabili at makain, dahil na rin sa dalas ng pagdaan ko sa mga estante nila.

1. Bernabest Siomai (LRT stations)
2. Master Siomai (LRT stations)
3. Likod ng UST (check out photo)
4. Siomai sa tapat ng Our Lady of Fatima Church, Cordillera, Q.C.

No comments:

Post a Comment

Related Posts with Thumbnails